Malabong mangyari ang sinasabi mo unang una parang binago na rin nila ang currency natin dito sa Pilipinas. Bukod dun hindi lahat ng mamamayan natin dito sa Pilipinas ay may alam sa bitcoin. Ang bitcoin ay isang digital currency paano na yung mga matatanda na hindi alam gumamit ng technology. Isa pa maraming proseso ang kakailanganin bago pa matupad yan lalong nasa Gobyerno natin masyadong mabusisi yan. At isa pa walang nakakaalam kung hanggang kailan mag eexist si bitcoin at hindi naman lahat ay interesado sa pagbibitcoin karamihan parin sa kanila ay may alinlangan sa bitcoin.