Saan ninyo ginagastos ang kinikita niyo sa bitcoin at bakit bitcoin ang napili niyong pagkakitaan? Medyo laganap kasi ang bitcoin sa lugar namin at karamihan ginagastos nila sa pagsusugal halos lahat ng kita nila, ako kasi may plano ako matapos ko magipon ng malaking amount ng bitcoin. Sa lahat ng nagbibitcoin dito sa lugar namin 67.7% ang gumagastos sa sugal or pinang iinvest then yung iba naman mga 16.5% ang ginagastos sa mga online gaming at 15.8% lang ang nagiipon para sa kani-kanilang plano o balak.
Madalas ito inilalaan sa mga importanteng bagay tulad nalang ng tulong pinansyal sa isang pamilya dahil malaki ang maitutulong nito sa mga nangangailangan. Siguro may mga iba na ginagastos lang sa walang makabuluhan bagay ngunit dapat nilang maisip na dapat ay pinapahalagahan ito at gamitin sa maayos at may kwentang bagay.