Ramdam kita dyan kaBTC! Hindi ko mawari kung nagkulang ba ang mga admin dito o sadyang mahirap lang maghalukay sa napakalawak na mundo ng btctalk. Sa ganang akin, naiintindihan ko ang excitement nila bilang nakafocus sila sa pagpaparank kaya gayon na lamang ang pagnanais nilang makapagpost kahit madalas ay paulit-ulit na. Pero mas nagtataka ako kasi ultimong mga kapatid natin dito na matagal na ay nakakaligtaan pa ring ituro ang tamang thread para sa mga katanungan ng ilan sa kanila. Nevertheless, kitang kita ang pagiging pinoy natin dito kasi sadyang magaling mag-estima tayo sa mga taong nagtatanong saten.
Sa tingin ko dapat ay sagutin sila at ituro ang tamang thread upang sa gayon ay maging aware sila na may nakalaan ng usapan para sa kanilang katanungan. Tamang approach na lang siguro para di naman sila ma-overwhelm agad.
[/quote]
Hindi nag kulang ang admin, sadyang tamad lang talaga sila mag back read kaya natatabunan ang mga importanteng topics dito sa forum. Hindi ko nilalahat ng newbie pero karamihan talaga newbie ang mga madalas gumawa nito. Ang madalas nilang paulit ulit na post ay ang pag tatanong kung paano sumali ng signature campaign at tungkol sa activities.