Ok lang naman siguro. At least, nakakatulong tayo. Ako nga, nirefer lang ng classmate ko dito pero paulit ulit niyang sinasabi na magbasa ako ng magbasa at huwag post ng post. Tama yung isang sir dito na, mas maganda alalayan natin sila. Burahin na natin yung mentality ng kapwa Pilipino, hinihila natin pababa. Yung di pinaniniwalalan ang kanilang abilidad na umintindi at sumunod sa panuto. Sige nga, pag ibang nationality ang nagtanong sayo or nagpaturo sayo, diba nandun yung urge or excitement na tulungan sila. Sana mas higit pa doon ang kaya nating ibigay sa kapwa natin Pilipino. May kaibigan akong paulit ulit na nagsasabing napakaraming pilipino ang magagaling, kulang lang sa skills o tamang attitude o atake. Magtulungan nalang tayo guys.