Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Coins.ph Official Thread
by
sunsilk
on 12/09/2017, 09:03:01 UTC
Ano ang ginagamit ninyong option pag nagcacash-in? Ayoko ng 711 kase lagi offline nakakapagod na pabalikbalik tapos lagi offline. Yung Virtual Card ng coins di na daw active nabasa ko lang sa FB kanina. May Gcash ako pero ng subukan ko may issue naman ang dragonpay. Kayo ano po ba gamit niyo?

Malas ka lang siguro sa branch ng 7/11 na pinag cacash-in mo. Sayang yung virtual card ng coins.ph gusto ko sana gamitin kaso parang hindi minamarket ng coins.ph at kapag tinatanong sila hindi naman sila nagreresponse agad. Okay sa cebuana try mo nalang mabilis lang lagi yung transaction ko sa kanila.

Malamang malas nga yung tatlong 711 sa amin tatlong beses ko na pinuntahan at every time may makausap ako na cashier parang clueless sila about it. Tanong ko lang dapat ba may account ako sa Cebuana para magamit service nila? Salamat sa reply.

Malas nga yang ganyang kalagayan mo. Buti nalang ako medyo swerte dito sa lugar namin sa bandang bayan kasi ako nakatira tapos medyo malaking city kaya kahit saan may 7-11 at pwede ko lakad lakarin lang.

Hindi mo kailangan ng account sa Cebuana, magdala ka lang ng ID mo para sa identity verification mo tapos kung anong mga information na nilagay mo yun lang din fi-fill upan mo.

Valid ID dapat ha, gov't para mas di ka na mahirapan.