No. Kaya lang naman bumaba ang price ng bitcoin ngayon kasi maraming tao ang nagbenta ng mga bitcoin nila noong mataas pa ang price ng bitcoin. Wag ka mag-alala tataas ulit yan. Kapag marami na ulit ang nag-invest sa bitcoin, syempre ibig sabihin non tataas ang demand. Kapag nangyari yun, tataas na ulit ang price ng bitcoin. Normal lang yan. Araw-araw talagang nag-fa-fluctuate ang price ng bitcoin.
Sa tingin ko may mali sa sinabi mo. Kung na benta nila ng mahal iyon tapos biglang bababa malulugi sila, sa tingin ko kasi kaya nababa yung btc kasi maraming nag hohold ng btc kaya kakaonte ang sales and buy nito. kaya kung lahat ng may btc ay mag hohold tuluyan itong bababa dahil nawawala ang demand, pero kung tuloy tuloy ang pag buy and sales nito sa tingin ko duon ito tataas.
Ang tingin ko naman sa opinyon mo ay mali, naalala mo yung fake news? dahil doon yun. Maraming investors ang nagpanic sell kaya lumagapak si bitcoin. eh kung maghodl sila dapat stable lang si bitcoin. Once na bumaba ang market cap na isang coins, bumababa din ang presyo nito. Mas may punto pa nga yung sinabihan mo na mali. Hindi pa malalim ang kaalaman ko pagdating sa trading pero bago mo sabihan na mali ang iba tingnan mo muna kung tama ka.