Maganda ang post mo na ito OP para sa mga newbie na nagtatanong o magtatanong pa lang tungkol dito pero parang misleading ang title ng post sa tingin ko. Nung unang pagkabasa ko sa title ang akala ko ay guide o tips ito kung papaano makakasali ang mga newbie sa signature campaign pero sa tingin ko ay ayos na din ang post na ito kapag na sticky para maiwasan na ang mga post ng mga newbie kung pano makasali sa mga signature campaign.
Salamat sa kumento. Nais ko lamang linawin ang title at content nitong thread. Ang nakalagay sa title ay "Guide/Tips sa Lahat ng Newbie
Partikular sa Signature Campaign" hindi nakasaad na "Guide/Tips sa Lahat ng Newbie Partikular sa
Pagsali sa Signature Campaign". Isa pa, iba iba ang pamamaraan ng mga campaign manager upang makasali ang mga participant sa isang signature campaign. Mas mainam na basahin ang thread tungkol sa Signature Campaign nila bago sumali para malaman kung paano sumali.
Guide at tips pa rin naman itong thread na ito sa mga gustong sumali sa mga signature campaign kung kaya't kapag ginamit ang mga guide at tips na galing dito ay mas mapapadali ang pagsali sa mga signature campaign.