Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [helping thread]Tanong mo sagot ko
by
npredtorch
on 19/09/2017, 22:22:41 UTC
Hello po, bago pa po ako at tanong ko lang po kung saan natin makikita yung naipon mong bitcoins?

sa wallet mo kung anong wallet man gamit mo. parang ganito lang yan, nag ipon ka ng pera mo, so san mo makikita yung pera mo? imposible naman nag ipon ka ng pera mo sa bulsa ko di ba? hindi ka din naman magkakaroon ng bitcoins kung nkatambay ka lang at walang ginagawa, hindi ka kikita kung puro basa at scroll lang gagawin mo
tanong ko lang din po. automatic po ba kami magkakaroon ng wallet po o gagawa pa kami para dun mapunta yung kikitain? salamat po.
syempre gagawa ka, depende sa required na wallet, madaming wallet ang ginagamit, tulad ng eth wallet, waves wallet, at bitcoin wallet. bitcoin wallet pwede kang gumawa sa coins.ph
ung eth wallet naman sa myetherwallet.com
pag waves wallet naman makakagawa ka nun sa waveswallet.io
Ano po bang kaibahan ng waveswallet.io sa bitcoin at eth wallet? Ano po yung mga nandun? Ano po kaya sa tingin nyo yung kagandahan ng wallet na yung sa dalawang meron din ako?

Kung waves wallet edi Waves na coin ang pwd mong mareceive at maisend gamit ang waves wallet. Parang Bitcoin wallet, Bitcoin ang pwede mong mareceive at maisend gamit iyon. May iba ring klase ng token ang pwedeng mareceive gamit ang waves wallet mo, tulat ng eth wallet.

Para maikli, ang waves wallet ay para sa waves, Bitcoin wallet ay para sa Bitcoin, at ang ETH wallet ay para sa ETH.

Dagdag ko na din para mas maguluhan ka (de joke lang para alam mo din DabsPoorVersion) na magagamit mo din ung waves wallet address mo at eth wallet address sa pag receive at send ng mga ASSETS based sa mga crypto na yan. For example: Wings Token , isa siyang token na based sa Waves. Bali kung gusto mo makareceive ng wings , ang ibibigay mo ay ung waves wallet address mo. Kumbaga ung waves ay bukod na token at kalevel ng eth at bitcoin tapos sa loob ng waves may mga assets din na tinatawag at un nga ung mga wings.