Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Anong Trabaho mo ngayon? Related ba sa course niyo?
by
tigerlook
on 26/09/2017, 05:56:34 UTC
hello ka bitcointalk tanong ko lang anong mga trabaho nyo ngayon ? related ba ito sa kurso niyo nung kolehiyo? kung hindi share naman ng mga experience niyo baka may mga magagandang stories kayo sa buhay or may mga kilala kayo na maganda na buhay ngayon at nang ma inspire lahat tayo  Grin .(Edited) Isa akong BSMT undergrad bale tapos ko yung academics na 3 years sa school pero kelangan ko pang sumakay ng barko para maging bachelor at matapos ko yung 4 na taon pero tinapos ko lang yung course ko para walang masabi yung ibang tao , palipat lipat kasi ako ng kurso at ng school ang problema di naman kame mayaman lol. Ngayon ang gusto ko talagang line of work is sa IT field kaya ngayon nag pa plano nako kung anong gagawin bali back to zero talaga ako kasi sobrang layo ng kurso ko sa gusto kong trabaho.
Kumuha ako ng kurso bilang isang Civil Engineering. Noon ang buong akala ko it is all about sand, gravel, cement, steel and all other materials use in construction, pero habang nagkakamuwang ako sa kursong ito nalaman ko na napakalaki pala ng sakop nito. At hanggang sa paggraduate ko dala dala ko ang mga natutunan kong ito. Noong matanggap ako sa una kong trabaho akala ko kung ano mga natutunan ko sa school maiiapply ko dito, ngunit hindi pala lahat ng natutunan ko eh yun na. Napag alaman ko na may iba pa pala itong scope maliban sa mga natutunan ko. Ito ay ang Aluminum and Glass. Walang subject sa Civil Engineering na tinuturo ang aluminum and glass, ngunit sakop rin ito ng nasabi kong kurso. Hanggang ngayon eh isa akong Facade Designer at natutuwa ako na dahil sa trabaho ko ngayon eh marami akong natutunan at nalaman na kakaiba. Sabi pa nga nila konte lang daw ang nakakaalam ng ganitong skills kaya I'm so thankful dahil dito ako napadpad sa ganitong scope of work.