Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Let's talk about Gambling
by
Casalania
on 09/10/2017, 13:42:21 UTC
Ayos tong thread na to malaking tulong.
Paano naman po naging malaking tulong sa atin ang gambling? Hindi naman po basta basta mah strategy sa gambling eh sobrang swertehan lang talaga. Ang strategy ng iba kapag nanalo ng kunti ayawan na kaso bihira sa tao ang ganun eh kadalasan gusto as much as possible talagang malaki ang kita bago umayaw.
Totoo yan. Un ngang ni roll ko sa freebitco walang nangyari..  Na zero balance ako..  Kakataya..  Ginaya ko ung setting na napanuod ko aa youtube.  Sa una okay.. Ilang minuto lng ubos.  Mas okay pa ata itong robotcash.  Chachagain mo nga lang. 
kaya nga mas mabuti kung titigilan nalang ung pag susugal, ako ang laki ng natalo sakin sa pagsusugal ko dati. naadik ako, sa kagustuhan kong bumawi sa natalo ko, mas lalo lang akong natalo. kaya simula nun kahit anong mangyari sabi ko hindi na ako magsusugal para hindi na ako mawawalan.
sa totoo lang nakakadik talaga ang pag susugal ako hanggat maaari ayoko itry ang gambling kase baka pag nagustuhan ko at natuto ako dyan baka hindi ko mapigilan eh.
oo sa una kase kikita ka, kaya halos lahat natutuwa sa nangyayare, pero sa lahat naman ganun e, sa una ka lang mananalo at pagdating sa huli matatalo ka din. maaadik kana kasi gugustuhin mo ngang bumawi, gugustuhin mong kumita ng easy money kaya sa huli talo ka.
ako dati sugal ang naging source of income ko, kaya adik na adik talaga ako, natuwa kasi ako dati ng 1k daily at inabot un ng 2 weeks. ganun ung kinikita ko, kada laro ko sa computer shop kumikita ako 1k. pero nung nagtagal binawi din, natalo ako ng sunod sunod, hanggang sa pati ung sarili kong pera naipusta ko na.
sino ba naman kasing matinong tao ang gagawing source of income ang pagsusugal? hindi lang pera ang ipinahamak mo jan e, pati ung oras mo na sinayang mo kakasugal. eh kung ung perang kinita mo or naipon mo ginamit mo sa ibang bagay edi sana napakinabangan mo pa. hindi ung nawala lang agad agad.
madaming tao ang naghahangad ng instant money. kaya kumakapit sila sa pagsusugal, madami akong kilalang ganyan, kumakapit sa risk, or ung tinatawag nating risk taker, kahit sobrang taas ng risk na kakaharapin nila go padin at umaasang babalik ng malaki ung pera nila.