Ginawa ko ang topic na ito para makakuha tayo ng idea sa mga taong nakaranas ng ma banned ang kanilang bitcointalk account para yung mga makakabasa ay magkaroon ng mas malinaw na idea kung papano nila ito maiiwasan.
Bukod sa meron ng naka set na rules na pwede nating sundan para maka iwas sa ban ang gusto ko lng malaman ay yung totoong karanasan ng ating mga kasamahan.
Kung maaari ay sa mga nakaranas lang na mabanned ang mag comment para maging malinaw ang daloy ng discussion.
Pwedeng magtanong pero dapat naka quote ito sa taong nag share ng kanyang karanasan.
Ang Tanong:
"Ano ang ginawa mo bakit na banned ang account mo?"
"Anong rank ng account mo nung ma banned ito?"
"Nagawa mopa bang ma reactivate ang iyong account after nitong ma banned?"
Hindi pa eh, kase nag iingat ako sa mga pinag gagawa ko para di ako mag sisi. Binabasa ko talaga muna yung rules bago mag tatatalak sa mga threads. Kaya yung mga unang araw ko konting konti lang ang mga post ko kase nakikiramdam pako sa surroundings at galawan dito sa forum. Tas reply reply ng konte para maka experience ng pag po post. Understandable naman ang mga rules at madaling e follow. Kaya lang kadalasan nakakain ng greed yung iba kaya siguro na baban. Ako, greedy ako pro iniingatan ko account ko kase ito lang kaya kong investment ehh, konting oras sa net cafes, sa cp. at ang oag sisikap ko. Kaya di talaga ako gagawa ng anu mang makakasira sa account ko kase napaka importante talaga nitong account na to sakin.