Tanong ko lang po. Wala na po ba yung virtual cards nyo? Gagawa po sana ako kaso nung inupdate ko po yung app di ko na po makita yung virtual card na button or maski po yung USD wallet wala na rin po. Wala rin po sa web version Pano po kaya yon?
may nag tanong na din nyan noon. at ang sabi ni coins ay wala pa daw po muna yan. bali dinisable pa ata nila. kasi inaayus pa ata eh.
Ang alam ko hindi siya inaayos at wala na talaga tong virtual credit card matagal na naka disable to pero last update lang tinanggal sa app yung icon, dahil yung bank na nag iissue ng virtual credit card sa Europe ay hindi na susuportahan yung mga bansa sa labas ng Europe dahil sa pagbabago ng regulatories.
Bakit ang bagal ng payment received ni security bank ng cashout po ako ngayon dapat po 10MINS lng ma rereceived na ako ng confirmation na pede ko na mkuha ang funds ko subalit wala parin lagpas na 15mins wala parin ako n rereceived na confirmation.. Ano po ba ang may problem ang coins o ang security bank?
Nangyayari talaga yan mga delay sa pag receive ng confirmation code sa text or email hintayin mo na lang. kung hindi parin dumarating yung confirmation code ng 1-2 hours chat mo na support nila. naranasan ko na to pero hindi dapat tatagal ng isang oras.