hello ka bitcointalk tanong ko lang anong mga trabaho nyo ngayon ? related ba ito sa kurso niyo nung kolehiyo? kung hindi share naman ng mga experience niyo baka may mga magagandang stories kayo sa buhay or may mga kilala kayo na maganda na buhay ngayon at nang ma inspire lahat tayo

.(Edited) Isa akong BSMT undergrad bale tapos ko yung academics na 3 years sa school pero kelangan ko pang sumakay ng barko para maging bachelor at matapos ko yung 4 na taon pero tinapos ko lang yung course ko para walang masabi yung ibang tao , palipat lipat kasi ako ng kurso at ng school ang problema di naman kame mayaman lol. Ngayon ang gusto ko talagang line of work is sa IT field kaya ngayon nag pa plano nako kung anong gagawin bali back to zero talaga ako kasi sobrang layo ng kurso ko sa gusto kong trabaho.
Sa totoo lang nag papasalamat ako na nag post ka ng ganito katanungan dito ko malahad ang exrerience ko, ako ay isang high school graduate lang pero ang trabaho ko ngayon Graphic artist, dati sa T-shirt Printing ako bilang designer mula nung 2010 humina ang kita ng printing ng damit kaya nag iba ako ng pina pasukan sa ROTO GRAVURE PRINTING naman ngayon. pero d kalakihan ang salary kasi high scholl graduate lang naman ako kaya 19k lang a month pero kulang pa din kasi nag aaral na ng college anak ko kaya nag baka sakali ako sa pag sali ng signature campaign baka dito mabigyan ng lunas ang pag hihirap ko sa financial.