Ano sa palagay nyo ang ADVANTAGE at DISADVANTAGE sa pag bibitcoin?
Para sa ating mga ordinaryong pilipino, mas malaki ang advantages nito sa atin lalo na pagdating sa pera at pangkabuhayan. Nagbibigay tulong ito sa mga simpleng, maralita at ordinaryong tao tulad ko. Kahit sino pwedeng magavail ng bitcoin as long na marunong at alam mo ito. Ang naiisip kong disadvantages nito ay sa mga banko at governments kasi una silang tumataliwas sa bitcoin. Disadvantages nito sa kanila ay kawalan o paggamit ng bitcoin bilang isang currency. Kapag mas maraming taong nakakaalam na may benefits silang makukuha kung magiinvest sila sa bitcoin, mawawalan ang banko at gobyerno ng kapangyarihan para pangasiwaan ang pondo ng bansa.