Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Guide/Tips sa Lahat ng Newbie Partikular sa Signature Campaign
by
automail
on 20/10/2017, 07:57:00 UTC
Ang mga gabay na ilalahad ko ay nakatuon lamang para sa mga baguhan o sa mga gustong sumali sa anumang klase ng signature campaign dito sa forum.

Welcome sa Bitcointalk!

Magbibigay aq ng ilang gabay para sa mga gustong sumali sa signature campaign (SC) batay sa aking mga karanasan mismo. Marami na ang mga sumasali sa forum na ito dahil sa signature campaign. Harapin natin ang katotohanang iyan. Hindi ko sinasabing mali ito, may kanya-kanya tayong dahilan at wala akong karapatang kwestyunin ito.

Mga katangian na kailangan upang makasali sa SC:

1. Kaangkopan ng iyong rank.
          Madalas sa mga SC na piling rank lang ang maaaring sumali. Maaaring Jr. Member pataas, Member pataas, Full Member pataas, o Sr. Member pataas. Kung sasali ka sa isang SC, ugaliing tingnan kung angkop ang iyong rank sa kanilang kailangan. Makikita naman ito sa mga rules ng bawat SC kaya nd mo na kelangang magtanong p kung maaari kang sumali.

2. Kalidad ng iyong mga post.

          Ito ang palagiang batayan ng mga campaign manager sa pagpili kung sino ang kanilang tatanggapin sa kanilang SC. Paano nga ba malalaman kung maganda ang kalidad ng post ng isang member? Batay sa aking opinion, tinitingnan ng campaign manager kung gaano kahaba ang mga post mo. Oo, kung gaano kahaba. Iyon bang ang pinakamaikling post ay mga 2 lines. 2 lines pero puno ang space tulad nito:

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
 

Mas mainam kung ganyan kahabang post ang gawin niyo sa bawat post ninyo, mas maganda kung mas mahaba pa, mga 3,4,5 lines, astig na iyon.

3. Kung saang Board/Section ng forum ka laging nagpopost.

          Kung palaging sa Beginners and Help o Off Topic ka laging nagpopost, malamang sa hindi ay hindi ka talaga matatanggap sa isang SC. OK lang namang magpost sa mga iyon pero huwag palagi. Ito ang mga Board na inimumungkahi ko para sa inyo:
-Bitcoin Discussion
-Economics
-Speculations
Iyang tatlong Board na yan ang lagi kong pinopost-an kapag kasali ako sa isang SC na ang bayad ay BTC. Suhestyong lamang iyan. Pero malamang sa hindi, kapag sa mga board na yan lagi kayong nagpopost tapos mahaba pa ang mga post niyo, pasok agad kayo sa SC!

TIP:
-Kung wala kayong maipost sa Bitcoin Discussion dahil sa masyadong teknikal na usapan para sa inyo ang mga thread doon, pilitin pa rin ninyong magbasa ng mga thread doon. Kahit wala kayong maipost. Ang mahalaga ay makapagbasa kayo at matuto sa mga binabasa ninyo para kung may  kahawig na thread ung nabasa ninyo, magkakaroon na kayo ng ideya sa maaari ninyong ipost o isagot sa mga tanong doon.
Gawin din to sa ibang Board.

-Mahalagang matuto muna kayo para marami kayong maisagot sa mga thread. Tiyagaan lang mga pre.



Iyang lamang ang guide ko para sa inyo. Hindi ko sinasabing tama iyan. Batay lamang yan sa karanasan ko dito



EDIT
Dinagdagan q ng tip ung number 3.


Swabeng swabe ang pagkakapaliwanag mo Sir. Hindi ako aware na dapat pala ang ay BTC ang payment. Hindi yan namention sa signature campaign na sinalihan ko pero ok lang din naman. Allocation at stakes lang ang nabanggit. Baka may idea ka idol kung ano yan?  Recommended nang tropa ko yung campaign kaya ako sumali. Pero good thing na magkaron ng knowledge from others. Totoo rin na kapag puro off topic ang post mahihirapan daw sumali sa signature campaign.
Sobrang agree ako don sa sinabi mo na pag sobrang teknikal dapat pilitin magbasa dahil maraming matutunan pag ganon ang ginawa naming mga newbie. Bibihira ang gumagawa nang ganitong post na very helpful at informative. Pasok sa banga eh.  Salamat sa paglaan ng oras at sana marami pang matuto sa post na ito.