Mahirap po ba ang pagbibitcoin?
Sa una mahirap. Lalo na kung wala kang alam sa pagbibitcoin. Dapat mong aralin ang paraan sa pagbibitcoin. Lalo na pagdating sa trading. Mahirap din kung maglalabas ka ng puhunan at iiinvest mo. Minsan lalago yung investment mo, minsan hindi. Lalo na kapag nascam ka, yun ang mahirap. Buti at may forum na kagaya nito, kung saan nagbibigay ng mga idea about sa bitcoin. May mga signature campaign na pwede mong salihan. Wala ka ng nilabas na puhunan, kikita ka pa. Kaya kung ako sayo, aralin mo muna ng maigi ang mundo ng bitcoin. Try mo rin sumali sa ibang board. Marami kang malalaman.