I wonder kung meron kayang mga government agencies na susuporta sa isang socio-economic proposal for cryptocurrency awareness like bitcoin? Since regulated naman na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga cryptocurrencies at nakikita na rin nila ang halaga nito sa virtual world through advance technology, handa na kaya ang lahat para sa awareness ukol dito? Ano sa tingin nyo?
Although hindi against ang gobyerno sa paglaganap ng Cryptocurrency ay very cautious pa rin sila when dealing with it. Marami kasing nagsasabi na ang Bitcoin at mga Crypto ay in a Bubble which is sa tingin ko ay naman ay totoo. Kung halimbawa naging aggressive ang gobyerno sa pagtanggap sa mga Crypto at nagkaroon ng massive pullback ng price ay siguradong hindi magiging maganda ang resulta nito sa bnasa natin. At isa pa, Blockchain which is the technology behind Crypto's are very disruptive at karamihan sa mayayaman dito sa bansa natin ay nagmamayari ng mga Bangko at siguradong lubos silang maapektuhan pag naging prevalant ang paggamit ng Crypto kaya sa tingin ko ay magiging lukewarm ang pag welcome nila dito.