Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Saan kadalasan ginagastos o ginagasta ang kita sa bitcoin?
by
Xising
on 25/10/2017, 11:21:26 UTC
Saan ninyo ginagastos ang kinikita niyo sa bitcoin at bakit bitcoin ang napili niyong pagkakitaan? Medyo laganap kasi ang bitcoin sa lugar namin at karamihan ginagastos nila sa pagsusugal halos lahat ng kita nila, ako kasi may plano ako matapos ko magipon ng malaking amount ng bitcoin. Sa lahat ng nagbibitcoin dito sa lugar namin 67.7% ang gumagastos sa sugal or pinang iinvest then yung iba naman mga 16.5% ang ginagastos sa mga online gaming at 15.8% lang ang nagiipon para sa kani-kanilang plano o balak.

Hindi kataasan ang sinasahod ko kada kinsensas, kaya naman halos lahat ng kinikita ko sa bitcoin ay napupunta din sa pang budget naming mag-anak. Hindi sapat ang bitcoin value ko para sumali sa trading at isa pa takot din akong ma-scam, kaya madalas sa hindi nag-eencash na lang ako. Siguro pag na-master ko na lahat ng pasikot-sikot dito, hindi malayong subukan ko na rin ang trading para kumita ng mas malaki.