Isang kumpleto at gumaganang IM app na magagamit ng mga karaniwang tao upang ipagbili ang kanilang mga hindi nagamit na SMS messages sa mga negosyo. Ang aming solusyon ay makakapagpababa ng halaga ng serbisyo ng A2P SMS hanggang 6 na beses para sa mga negosyo at makakapagbigay ng pagkakataon sa mga tao na kumita hanggang 300 Euros bawat buwan.
Ang Birdchain ay tumutugon sa 2 pangunahing mga suliranin:
Kadalasan halos lahat ng mga may may-ari ng cellphones (mobile phones) ay may unlimited SMS plan o kaya naman ay may malaking bilang ng libreng SMS bawat buwan na halos hindi naman nagagamit. Ang mga tao ay nag-uusap sa pamamagitan ng mga instant messaging apps. Ibig sabihin bilyong mga libreng SMS messages ang nasasayang dahil hindi ito nagagamit; Ang mga negosyo o kumpanya ay nagbabayad hanggang 8 sentimong Euro bawat isang SMS upang makapagpadala ng mga promosyonal at transaksyonal na mga mensahe sa kanilang mga kliyente. Bagamat ang halaga ng serbisyo ay tunay na mataas at patuloy pang pinatataas ang mga corporate middlemen, ang kalidad ng serbisyo naman ay bumababa (mabagal na paghatid ng mga mensahe, sobrang tagal at huling paghahatid ng mga mensahe, iilan lamang ang nakatatanggap ng mga mensahe).
Ang Birdchain ay mag-aangkop ng ibat ibang solusyon ng blockchain upang magamit ang mga cellphones (mobile phones) ng mga karaniwang tao. Ang mga negosyo o kumpanya ay maaaring magpadala ng A2P SMS sa pamamagitan nila at hindi na kailangan ng mga corporate middlemen. Lubos na mapapababa nito ang halaga ng A2P SMS service para sa mga negosyo at ang mga tao ay mababayaran sa bawat SMS na naipadala gamit ang kanilang cellphone (mobile phone).
Ang team sa likod ng Birdchain ay matagumpay na nagpapatakbo ng A2P SMS aggregation business sa loob halos ng 10 taon. Sa panahong ito, nakakalap kami ng malalim na kadalubhasaan at kaalaman sa merkado ng A2P SMS. Higit sa rito, mayroon kaming mahigit 10 taong karanasan sa software development (lalo na sa Social Networking Apps) at kadalubhasaan sa larangan ng blockchain at cryptograpiya. Nagbibigay ito sa amin ng lakas ng loob upang makalikha ng mas malinaw, mas ligtas at mas magandang solusyon para sa publiko, mga negosyo, at sa merkado.