Saan ninyo ginagastos ang kinikita niyo sa bitcoin at bakit bitcoin ang napili niyong pagkakitaan? Medyo laganap kasi ang bitcoin sa lugar namin at karamihan ginagastos nila sa pagsusugal halos lahat ng kita nila, ako kasi may plano ako matapos ko magipon ng malaking amount ng bitcoin. Sa lahat ng nagbibitcoin dito sa lugar namin 67.7% ang gumagastos sa sugal or pinang iinvest then yung iba naman mga 16.5% ang ginagastos sa mga online gaming at 15.8% lang ang nagiipon para sa kani-kanilang plano o balak.
Hindi ako magasta pagdating sa pera, ang ginagawa ko sa kinikita ko dito sa bitcoin ay iniipon ko. Pero hindi ko naman maalis na tumulong sa aking pamilya dahil may responsibilidad din ako sa kanila. Habang yung ibang kinikita ko ay napupunta sa pamilya ko at yung iba naman napupunta sa ipon ko para naman may magamit ako sa future.
Katulad mo hindi rin ako palaging gumagastos, kung talagang kinakailangan lang. Malaking bagay talaga na iniipon natin yung kinikita natin dito sa forum kesa naman igastos lang natin sa hindi makatuturang bagay at may pagkakataon pa na lumago kapag hindi natin ito agad ginastos. Nung una ginastos ko agad yung pera na kinita ko dito sa bitcoin pero ngayon nagsimula na ako ipunin muna yung kinikita ko at gagastos lang kung talagang kinakailangan. Maganda na din talaga kapag may plano kasi mas naplaplano natin kung saan natin nang maayos kung saan natin paggagamitan ang pera na ginagastos natin. Ininvest ko na yung kita ko para mas lumaki pa ang kikitain.