Sa tingin ko marami ang magiging interesado sa pagbibitcoin lalo na pag dating sa kitaan. Siguro din may mga positive at negative na pwede mangyari kaya dapat maging handa tayo.
tulad ng nabanggit mo kapatid, dalawa ang magiging epekto nyan satin na mga member na ng bitcoin forum community, sa disadvantage muna ako, marami ang magiging interesado kapag nabanggit sa television na pupwede palang kumita sa bitcoin sa ganung pamamaraan lang, so maraming magreregister at magjoin, maraming newbies lalo ang dadagsa sa website natin, sa advantage naman, mas maraming signature campaign ang puwedeng magbukas ng marami lalo na sa local, kapag nakita nila na sobrang dami ng local poster sa pilipinas, isa sa disadvantage nun para satin, paunahan na masyado sa pag aapply, meaning dami mo kalaban sa pag-apply pa lang, dun magiging madugo ang labanan.
Napaka ganda naman ng topic na ito, sa palagay kahit na ipalabas man ang bitcoin sa ating mga televisyon kokonti lang ang papansin nito kasi sila ay magugulumihanan lang sapagkat ngayon lang nila iyon narinig at sila ay mag tataka kung ano ba talaga ang bitcoin. Pero syempre ang mga pinoy mabusisi basta pag kakakitaan kaya sila na mismo ang tutuklas kung paano kumita at ano ba talaga ang bitcoin.