Na pansin kolang bakit maraming mga tao ang nagsasabi ng scam ang bitcoin? Wala naman akong nakikitang masama sa bitcoin nagagamit pa nga pambayad at nakakatulong pa para kumita eh.
Sa tingin niyo ano nga ba ang mga dahilan bakit ang mga tao ay tinatawag ang bitcoin na SCAM??
yun kasi ang ipinaalam ng sira ulong media, kung napanuod mo yung failon ngayon, kagabi ng 11pm, maaasar ka talaga na paparatangan ang bitcoin na isang scam. dahil lang sa bad experience ng isang tao yun na ang ipinamukha ng channel 2 na ang bitcoin ay scam, di man lang sila kumuha ng good reviews, talagang yung negative feedback ang pinagkaabalahan nilang ibroadcast, napakasira ulo talaga ng mga media dito sa pilipinas, kaya galit si duterte sa mga media, ganyan kasi ginagawa nila. ang manira ng manira ng wala namang maliwanag na dahilan.
Tama ka po, pati ako napamura sa sobrang bobo ng researcher ng segment na iyon ng failon ngayon. Ni hindi man lang ipinaliwanag kung what is bitcoin at kung saan at paano ito nagagamit. Sobrang focus sila doon sa mga HYIP, hindi nila alam na hindi naman talaga iyon about bitcoin, it was just an investment platform kung saan bitcoin ang ginagamit na pangbayad kagaya lang nang mga naglipanang networking scheme sa pinas na marami ring na scam. Hinintay ko pa naman yon kasi akala ko magandang mga bagay ang ipapakita about bitcoin tapos iyon lang pala.