Yesterday night, nag palabas ang Failon Ngayon about online scam using Bitcoin and other Cryptocurrency. And IT WAS A GOOD AND EYE OPENER TO ALL OF US. Yan naman talaga ang nangyayari sa digital world, ang mga networker nag ttake advantage at nakiki ride sa hype ng bitcoin at ginagamit to scam other people. Refer ditto, refer diyan, sali kayo sakin within one day may 1 btc ka na etc etc etc. Kaso meron mga makikitid ang utak o pwedeng part sila ng mga referral boys ng mga website at nagagalit sa Failon Ngayon, ano kaya kinakagalit ng mga bugok na to? Siguro wala ng maloloko?
The program stated well the situation ng kamangmangan ng mga Pinoy sa digital. Makarinig lang ng word na "investment" at "bitcoin" easy money agad ang naiisip.
Failon Ngayon actually did a TERRIBLE JOB at presenting bitcoin to their audience. Siguro kung ang pamagat ng segment na yun was, "Mag-ingat Sa New Scams Gamit Ang Bitcoin," baka pwde pa, kaso hinde eh. They made it appear na ini-introduce nila ang bitcoin sa mga tao, at kaakibat pala ng bitcoin ay ang panganib na pwede kang maloko sa mga scams.
Napaka-imbalanced at unfair ng presentation nila, dahil hindi ipinaliwanag ng maayos kung ano ang bitcoin and the revolutionary technology behind it. Nag-focus lang sila sa dangers na pwedeng kalabasan pag gumamit ng bitcoin (which is largely true naman for any currency), pero wala silang binanggit tungkol sa benefits and advantages of bitcoin over every other fiat currency.