Na pansin kolang bakit maraming mga tao ang nagsasabi ng scam ang bitcoin? Wala naman akong nakikitang masama sa bitcoin nagagamit pa nga pambayad at nakakatulong pa para kumita eh.
Sa tingin niyo ano nga ba ang mga dahilan bakit ang mga tao ay tinatawag ang bitcoin na SCAM??
yun kasi ang ipinaalam ng sira ulong media, kung napanuod mo yung failon ngayon, kagabi ng 11pm, maaasar ka talaga na paparatangan ang bitcoin na isang scam. dahil lang sa bad experience ng isang tao yun na ang ipinamukha ng channel 2 na ang bitcoin ay scam, di man lang sila kumuha ng good reviews, talagang yung negative feedback ang pinagkaabalahan nilang ibroadcast, napakasira ulo talaga ng mga media dito sa pilipinas, kaya galit si duterte sa mga media, ganyan kasi ginagawa nila. ang manira ng manira ng wala namang maliwanag na dahilan.
Hindi naman kasi kayang i manipulate ang isip ng bawat tao tungkol sa kung ano ang pananaw nila sa bitcoin. Makikita natin na ang ininterview lang nila ay yung mga may mapait na karanasan dito sa bitcoin. Wala tayong nakita na may na interview sila na may natulongan ang bitcoin. Besides, marami naman talagang scam dito but hindi hawak ng bitcoin kung may pumasok na scam campaigns dito sa bitcoin industry. Yun nga lang mali lang talaga ang na invest nya. Iniisip muna ng taong nag invest kung ano ang makukuha niya kapag nag invest xa, hindi niya alam kung ano ang maging epekto kung mali ang napasukan niya. Sana nag trading na lang siya. Marami naman ang hindi kailangan mag invest pero natulungan ng bitcoin.