Gusto ko lang po sanang malaman ang dahilan bakit nababawasan mga post ko. Tendency kasi neto ay di ko mareach ang per weekly post kasi limit lang time sa btc kasi my regular work ako tapos nababawasan pa post ko. May nadedelete ba na thread ang sanhi neto?
Karaniwan kapag may nabubura na post mo sa isang thread, may message sa inbox mo na binura ito ng moderator kac off topic ung reply mo. Maaari din nman na nagreply ka sa isang self-moderated thread tapos binura ng OP ung post mo dahil off topic, spam, or gusto niya lang. At ang last na possibility kung bakit nbabawasan ang post count mo eh posibleng nabura ung thread na nireply-an mo.
Para maiwasan ang ganito, magpost ka lang sa topic na alam mong may sense (para ito sa signature campaign ha) at siguraduhin mong on topic ka.