Dapat talaga meron pang ibang option na exchange aside sa coins.ph. nag message kasi sila sakin na dapat ma interview daw ako para hindi nila babaan limit ko. Verified naman na account from the start and level 3 account ko. Pero ngayon kailangan daw ng interview.
Siguro dapat ma start na natin mag develop ng peer to peer exchanges para may option tayo na mag trade.
Dapat kasi ma develop na yung trust para may option tayo just in case mag higpit si coins.ph due to regulations ng BSP.
Na interview din ako ni coins.ph tungkol sa source ko kasi na temporary disable yung account kaya siguro halos parehas lang tayo ng tatanungin nila sayo. Matapos naman nung interview, naging totoo lang ako at hindi nag sinungaling tapos after ng isang araw naging able na ulit yung account ko. Magkaso kasi winiwithdraw mo araw araw mukhang sinasagad mo araw araw yung 400k limit ha?

Hahaha. Asahan nang magiging strikto talaga ang coins.ph sa mga merong malalaking halaga ng pera sa kanila kase nga katulad nga ng sabi nya nireregulate na ito ng BSP at syempre matic na na merong Anti-Money Laundering at Know Your Customer policies yan. Meron din isang exchange pa na gusto ko sa rebit at mas mataas din withdrawal limit nila. Ang alam ko rin meron tayong peer to peer trading platform. Yung localbitcoins? Nakalista kase don yung Pilippines tapos meron pa yung sa buybitcoin yata yon? Di ko pa nagagamit e
Oo merong mga pinoy trader sa localbitcoins pero hindi ko pa natry gamitin yun kasi mas okay gamitin ang coins.ph mas lalo na nga talaga silang nagiging mahigpit kasi nga mas tumataas ang presyo ng bitcoin at tama ka dyan sanshipo para maiwasan din yung mga iligal na pag gamit ng bitcoin.
may nakakatanggap paba ng ganitong message from coins.ph bukod sa akin?

may mga kakilala ako at nabasa dito sa thread na to na nakatanggap din ng message, ok lang kaya kung hindi ko na replyan to or kailangan talaga magpa-sched?
by the way level 3 account ko. di ko alam bakit kailangan nila magtanong sakin.
Iba yung message na natanggap ko at mas mukhang malalim yung problema mo kesa sa naging disable ng account ko.