Paano mapapatawan ng tax ang bitcoin? Eh online yun, nagtatrabaho ng online tapos sasahod ng online, tsaka worldwide crypto yun hindi naman ata pwede yun kasi parang labas na ng jurisdiction ng government yun?
Bakit naman po hindi? Eh ano naman po kung online yon di ba Marami naman po talagang mga online jobs pero may tax eh kagaya na lamang ng mga online teachers pwede po nilang gawin yon pero syempre hindi na nila sakop tong forum at tsaka lahat naman talaga dapat ng income ay dinideklara pero dahil law abiding tayo hindi natin to dinideklara dahil wala pa naman naninita.
Nasabi na ni boss Dabs na capital gains ang taxable so labas na yung mga natatanggap natin sa signature campaign diyan. Nakakapanghinayang naman kapag yung mga kakaunti nating naiipon dito lalagyan pa ng tax.
sana nga hindi pa to mabigyan ng pansin ng ating gobyerno eh dahil total naman nagbabayad na tau tax sa mga exchanges o wallet natin eh. malamang may kasama ng tax un. tingin ko naman hindi na to masyado bibigyan pansin masyado ng ating gov marami pa sila inaasikasong mas importante eh.
Magkaiba pa yung fee sa wallet natin pang miner fee ata yung tinutukoy mo saka maliit lang naman yun. Sa ngayon syempre hindi pero baka sa mga susunod na taon baka mapansin na yan.