Baguhan at estudyante pa lang kasi ako, may epekto ba yon sa pagsali ko dito?
Walang hadlang kung gusto mo gawin ang isang bagay lalong lalo na't may magandang idudulot ito sa'yo. Kung gusto palagi po yang merong paraan. Hindi rin nman po mabigat ang trabaho natin dito sa pagbibitcoin.
Magiging hadlang lang siguro ito sa pag.aaral kung wala kang time management at disiplina sa sarili.
Tama ka dyan boss! Walang magiging hadlang basta ba't gusto at desidido kang gawin ang isang bagay, na disiplina sa sarili at time management lang talaga ang kailangan. Based on my own experience as a college student, nung unang una palang ako dito ay aminado rin akong nahirapan ako dahil sa wala akong time management at nakasanayan ko na nga ang mañana habit kaya ako rin ang nagsuffer. Pero hindi nagtagal ay iniba ko ito, at doon na nga. Yun na yung time na hindi na ako nahirapan kasi I manage my time properly, dinisplina ko ang sarili ko sa alam kong tama at makakatulong sa akin. Kaya as a result, parehas akong nageexcel sa pagbibitcoin at sa studies ko.