Baguhan at estudyante pa lang kasi ako, may epekto ba yon sa pagsali ko dito?
Hindi naman hadlang ang pagiging estudyante hangga't nababalanse mo pa ang pagaaral at pagsali sa signature campaigns. Ang pagsali sa signature campaigns ay hindi naman nangangailangan ng buong oras mo at hindi naman ito nangangailangan nang mabalagtas na dila. Kailangan mo lang maabot yung hinihingi ng campaign manager. Siyempre huwag kang sasali sa mga malalaki yung minimum posts. Doon ka lang sa kaya mo para may oras ka pa sa pagaaral.