Baka pwede ninyo i-kwento ang mga naging karanasan ninyo na SCAM, para may idea ang mga baguhan kung ano ang dapat nilang iwasan.
nascam lang naman ako dati sa isang date entry. kasi ang sabi nya saken dati kikita daw ako ng malaki basta mabilis ako magencode. pero bago ako makasali need ko magbitaw ng 600 pesos para sa registration fee. para daw makaaccess ako agad. then 12 hours na ako nageencode pero 10pesos pa lamang kita ko. yung pala hindi talaga sa encoding ang kitaan thru recuitment talaga sya
never pa ako na scam sa bitcoin kasi hindi ako basta basta nagbibigay ng trust sa isang site e, kaya dapat talaga maging mapanuri tayo para hindi tayo magoyo ng mga taong mapanglamang sa kapwa. pero dati muntik na ako mascam sa networking buti na lamang at naabisuhan ako ng aking tiyahin na marami na daw naloko ang networking na yun