Guys balak ko mag business ng ganto. Papatok kaya? Smart padala kasi ang pinaka mabilis na remittance center dito sa pinas so far. So nag babalak lang. Any suggestion?
Ang gawin mo nalang gawin mong bayad center ang coins.ph mag pondo ka ng malaki at mag accept ng bills payment gamitin mo lahat ng services ni coins.ph para mag kainstant business ka. Ganyan ang balak ko pag nakalipat na ako sa subdivision na kinuhanan ko ng bahay at alam ko na papatok yun, need mo lang mag provide ng pang print ng resibo para sa lahat ng transaction. Goodluck sana makatulong.
Yes mgaodi magandang gamitin yan. Patok yan lalo na kung maganda pwesto mo. Saken medyo mahina kasi hindi daanin ng tao. Buti na lang si mudra kilala dito samen. Gamit kong printer yung common tapos yung short na bond paper hatiin mo sa tig 1/8 crosswise. Targetin mong market yung water bill. Kasi maliit lang.bill nun. Every 5 different bills na mabayaran mo kay coinsph may bonus na +100 pagdating ng Wednesday next week. Kaya isipin mo na lang kung buong barangay / subdivision sayo nagbabayad ng bills monthly. Tapos yung eload business maganda rin sa coinsph. 10% rebate, kaya yung pricing pwede mo gawin 1:1 di tulad sa mga tindahan na may patong. Lakasan ng loob lang yan. Di naman iligal gagawin. Werpa mga lodi!