Ano ang magiging epekto ng bitcoin kapag dumami na ang gumagamit nito?
Kung dadating sa point na sobrang dami na ng tao na gumagamit ng Bitcoin siyempre bibilis ang pag taas ng demand at pati na rin ang value nito dahil fixed ang supply ng Bitcoin sa 21 million at 16.6+ million pa lang ang nasa circulation. Pero may mga negative effects din ito tulad ng pag cocongest sa blockchain dahil sa dami ng transactions na mangyayari at alam naman natin na ang bawat block limitado lang ang kayang iconfirm every 10 minutes, isa pang hindi magandang epekto ay tataas ang transaction fees hanggang sa dumating na point na mas malaki pa yung fee kesa sa sinend mong Bitcoin. Kaya kahit na priority ang fee na binayad mo matatagalan pa bago maconfirm ang transaction mo.
Kapag dumami na po lalo ang mga users ng bitcoin ay lalong lalaki po ang price nito, imaginin niyo po limited lang po ang supply ni bitcoin at kapag halos lahat ay naghold at meron gustong maginvest ang tendency po talaga ay lalaki ang price nito parang sa palengke lang mahal ang price kapag kunti lang ang nagtitinda pero nagmumura kapag madami na kayong supplier.