Naranasan ko ng maiscam ng isang hyip. First time ko mag invest ng bitcoin at sumali sa ganung investment. Nung una pala lang na nagdeposito ako ng investment ko at inabot ng anim na oras bago pumasok sa account ko naghinala na kaagad ako ng mukhay sablay yung pinasukan ko. Makalipas ang tatlong araw 45% ng investment ko nawithdraw ko tapos kalaunan bigla na lang nawala yung hyip site na sinalihan ko. Maliit lang na halaga yung ininvest ko. Sa totoo lang di ko alam kung pano malalaman kung scam ba ang hyip na sasalihan ko o hindi kaya para maiwasan na mabiktima uli ako ng mga scam na hyip hindi na lang ako nagkakainteres na sumali.
Pwede mo ba share kung ano pangalan ng hyip na nasalinan mo? Kaya ko naisip itong subject na ito para alam ng ating mga kababayan kung ano yun mga scam sites na na encounter natin. Ako nag try for free kay Aurora Mine. Nag close na, buti na lang wala akong nilabas na pera para sumali.