Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bakit Di Kayo Magtrading?
by
spongegar
on 11/11/2017, 06:54:33 UTC
Akala ko dati pag may Pilipino na nadito sa bitcointalk, maituturing na ko na silang pro.
Sumali ako dito sa bitcointalk dahil dito pinapanganak ang karamihan ng bagong altcoins. At dito inaanounce ng mga developer ang bagong coin.

Naiintindihan ko na hindi naman lagi puro bitcoin at pera ang usapan. Pero siguro naman pareho tayo ng goal na kaya tayo nandito para may pagkakitaan. Kumita sa bitcoin.

Ito lang mensahe ko sa inyo.
Kung talagang seryoso kayo kumita sa bitcoin, bakit di kayo magtrading?

OO may talo din sa trading pero napagaaralan yan at naiiwasan.
Basahin niyo tips ni Hippocrypto madami dun magagamit talaga sa trading.

-ssb

Ang mga pilipino, kasama na sa kultura ang pagiging maingat sa pera. Lalo ngayon na napakahirap kumita. Mas lalo pa itong pinaiigting ng pagtaas ng dami ng mga manloloko at iscam. Dahil dito, hindi panatag ang mga pilipinong sumugal sa trading. Ngunit tama ka nga, sa pagtitrading ka nga kikita ng pera kung alam mo kung paano. Kailangan mo lang talagang matuto at bantayan ang iyong stocks. Kailangan din tanggapin na matatalo ka talaga minsan.