Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kung blockchain ang gagamitin sa eleksyon
by
zenrol28
on 11/11/2017, 09:40:27 UTC
Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?
Ang sagot dito ay oo at hindi. Kung gagamitin ang blockchain sa pag boto sa official eleksyon magiging malinis ang botohan at maiiwasan na yung bawas dagdag sa mga boto dahil permanente na ang mga data sa blockchain at hindi pwedeng palitan ng kahit na sino at isa pa open source ito kaya malalaman natin kung may kahinahinalang code na nakalagay. Pero hindi ibig sabihin nito na totally na mawawala na ang pandaraya, nasa voters parin yan kung ipagbibili nila ang boto nila sa maliit na halaga at wala ng magagawa ang blockchain para dyan dahil ito ay software lang.

ganon pa din naman e kahit hindi blockchain makikita pa din kung nagbago ng code tulad nung nakaraan kay marcos at robredo diba may binagong code pag kagising natin lamang na agad si robredo yun nakita nila na may nabago at ngayon pinepetisyon nila


Oo, pero hindi na pulitiko ang nandaya pag pinagbili ang boto, yung taong nagbenta ng boto nya ang nandaya sa sarili nya. Siguro iniisip din nila na di naman mananalo yung iboboto nila kaya binebenta na lang nila. Pero kung blockchain ang gagamitin baka maisip nila na malinis ang magiging resulta.

Yung kila Marcos - robredo hanggang ngayon wala pa ring huling hatol kasi raw walang matibay na ebidensya. Malamang kung blockchain ang gagamitin konting discrepancy lang pwede ng gamiting ebidensya laban sa mandaraya.