Sa tingin ko marami ang magiging interesado sa pagbibitcoin lalo na pag dating sa kitaan. Siguro din may mga positive at negative na pwede mangyari kaya dapat maging handa tayo.
Panigurado pag binalita to sa tv lalo pa pag sikat na channel ang feature nito, maraming magtatry na sumubok mag bitcoins at sumali sa forum na ito. Syempre maraming maiinspire lalo na yung mga teenagers na wala namang pinagkukuhaan ng pera kundi ang baon nila. Pati na din yung mga unemployed na tao ay maeengganyo din na sumama na dito kasi sino ba naman ang ayaw kumita ng malinis na pera sa madaling paraan. Lalo nat ang bitcoins saatim ay pwedeng ma withdraw sa atm machines hindi na tayo mahihirapan kuhain yung pera natin.