I need some help.
Two weeks ago nag send ako ng application sa isang campaign. After that, nakatanggap ako ng message (pm) na deleted yung post ko (yung application mismo). Inignore ko lang kasi wala naman sinabing reason. Then kaninang umaga nakita ko yung campaign na may 2 slots available so nag apply ulit ako. After that bigla na lang ako nalagay sa smas blacklist and worst permanently banned daw. I didn't even noticed na yung first apply ko n binura nila ay masasama na ko sa smas list kaya nung second apply ko ay banned na.
Ano dapat ko gawin? Sa tingin nyo ba may mali akong nagawa? Paano mawawala yung red trust ko? Please help me guys.
Nakita ko yung application mo sa coinpayments.net campaign thread yun kasi yung current campaign ko ngayon. Lauda gave you negative trust and permanently banned from joining sa mga signature campaigns na gumagamit SMAS blackllist dahil siguro yung previous campaign na sinalihan mo inilagay ka sa blacklist dahil sa low quality or spam posts tapos nag apply ka pa ulit sa campaign na gumagamit ng blacklist. Sadly wala ka nang magagawa dahil permanent na yan. Kung nasa first list ka may paraan ka pa sana para matanggal sa list kaso hindi, but you can still apply sa mga campaigns na hindi gumagamit ng SMAS blacklist at nag aaccept ng mga may negative trust yun nga lang bibihira lang yung ganun kaya good luck.