Tanong ko lang sa inyong lahat coins.ph users, mula nang gamitin nyu ang wallet na ito minsan din bang nagka problema or pumalya naba minsan ang transaksyon nyo coins.ph.?
Ako kasi minsan nag loload ako gamit ang coins.ph hindi dumarating pero nababawas sa balance ko buti maliit lang na halaga.
sa six months na ginagamit ko ang coins.ph I think there's still lots of improvement to be done but so far hindi pa naman ako nadidisappoint sa service nila kung nagkaka problema man siguro sa delay lang ng pag receive ng codes pag mag cacashout ng Bitcoin sa Security Banks cardless ATM pero normal lang naman yun at never ko na experience yung hindi dumating yung pera ko, sa deposit swabeng swabe kasi after mo mag bayad dadating agad sa php wallet mo yung pera. Tungkol naman sa prepaid load hindi naman sa coins.ph yung problema kundi sa service provider nila kasi minsan kaya hindi makapag load may maintenance sila. Sa support naman sana mas mabilis sila mag response sa mga tanong or issue ng customers.