Ang crypto currencies ay hindi gaya ng ginto(pinagbabasehan ng pera ng bawat bansa) na kailangang magpakahirap para mamina hindi gaya ng sa Bitcoin. Ang bawat tirahan ngayon ay pwedeng magkaroon ng miner kaya sa tingin ko magiging abundant ang Bitcoin o Altcoins balang araw. Mas dadami ang suppplies kesa sa demand.
Kumpara sa ginto na pwedeng gawing alahas at gamitin sa manufacturing industry ang nakikita ko lang na gamit ngayon ng crypto-currency ay pambayad. Nananatili ito sa mga wallet address at patuloy lang na dumadami.
oo ang ginto is literally na madami kang magagawa but yung value is mabagal ang progress unlike sa bitcoin na nakikita naten na may progress ito sa value at lumalaki ang demand let say na tulad ng sinabi kung mawawalan ba ito ng halaga hindi naten masasabe ang panahon kung ano ba talaga kase diba digital currency ito hindi naten masasabe kung paanong pag adopt kase ang gagawin ng mga tao kung i aadopt nila ito and madami talaga ang may gusto ng bitcoin and altcoin na digital currency syempre hindi ito mawawalan ng halaga.