Tanong ko lang sa inyong lahat coins.ph users, mula nang gamitin nyu ang wallet na ito minsan din bang nagka problema or pumalya naba minsan ang transaksyon nyo coins.ph.?
Ako kasi minsan nag loload ako gamit ang coins.ph hindi dumarating pero nababawas sa balance ko buti maliit lang na halaga.
Ilang beses na ako
nagkaproblema sa coins.ph lalo sa cash out sa egive yong tipong naasar kana kakachat
dahil walang nakuhang pera sa atm mag hihintay ka ng ilang weeks bago maibalik ang pera.
aware ka naman po siguro na hindi coins.ph ang may hawak sa security bank at hindi nila kasalanan kung walang lumabas na pera sa ATM nung time na kinukuha mo na yung pera mo at aware ka ba na may tamang proseso ng verification bago ibalik ni coins.ph yung pera mo dahil kailangan nila malaman galing sa security bank kung may nakuha ka ba talaga na pera or wala galing sa ATM?