Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Btc price
by
namoca
on 14/11/2017, 15:40:00 UTC
Sa ngayon po mam/sir nag kakahalaga po ang 1 bitcoin ng 314,000 pesos po mam/sir. Patuloy paren po tumataas ang bitcoin.

Tumataas na siya ulit kasi yung mga nakakuha na ng kita sa bitcoin cash balik na sa bitcoin ulit. Tingin ko papalo yung presyo ng bitcoin hanggang $7,000 pabalik ulit at ang bagong stable price na natin ay magiging $6,000 kaya yung mga nagpanic at nag benta ng bitcoin nila panigurado nagsisisi na yun ngayon.

isa na ako sa nagsisisi kasi naglabas talaga ako ng bitcoin nung nakikita ko na patuloy ang pagbagsak nito, pero wala na akong magagawa dun kasi kinailangan ko talaga na magcashout e wala na akong budget sa aking anak, pero ok lang kasi hindi ko naman inubos lahat ng bitcoin ko bawi na lamang sa sunod na sahod

Wala ka na talagang magagawa lesson learned nalang sayo yan. Ganyan din ako dati naalala ko nga mas mababa pa presyo sa 100k pesos nung nag benta ako ng bitcoin. Pero ika nga ng mga expert, ang kita ay kita. Kaya wag ng manghinayang ang isipin mo nalang kumita ka na at hindi mo yan mapupulot kahit maglakad ka ng maghapon sa labas ng bahay niyo.

medyo natuto na rin sa ganyang galawan ng bitcoin, dati kapag sumahod ako talagang wala akong itinitira sa bitcooin ko hanggang sa makikita ko na lamang na biglang tataas ang value sa isang iglap lamang, kaya ngayon kapag nag cashout ako mga 60% lamang ng kinita ko at palagi kong itinitira ang 40% ng kita ko sa isang linggo
Base narin sa experience ko natuto na talaga ako na hatiin yung 100% ng kinikita ko sa 50,30,20. Maganda ring ipractice to sa mga gustong gayahin ung paraan ko para magsave. Yung 50% gastos sa bahay, 30 gastos sa wants tapos yung 20 itatabi ko lang sa btc wallet. Pag minsan 30 ang itatabi tapos yung 20 magiging gastos ko sa wants. Sa ganitong paraan matutoto ka talagang madisiplina sa paggastos at the same time may naiipon rin. Yung ipon na yun sure akong lalaki yun as the time goes by.