May alam ba kayo kung paano ma secure ang mga coins natin?
Share it with us :-)
Maliban sa mga nabanggit ni sir Dabs, idagdag mo na din po dito ang paggamit ng password manager. Ang ginagawa nito bale ay i-store po ang iyong mga ginagamit na password sa iba't ibang website, halimbawa, sa mas secure na storage at ii-encrypt ito ng panibagong password na tanging ikaw lamang ang nakakaalam. Mas secure ito kasi maliban sa encryption, mayroon din ang password manager na 2FA, multi-factor authentication, form application logins, atbp. na magproprotekta sa account mo. Ang isang halimbawa niyan na magandang gamitin ay yung Last Pass. Pwede mo po yang gamiting kung gusto mo dahil may free trial naman po yan.
Ngayon kung hindi po ako nagkakamali, ang admin po ng BitcoinTalk, si theymos, ay gumagamit po ng password manager para i-secure ang kanyang admnistrative password dito sa forum. Madalas kasi ang attempt dito ng mga hackers na manghack ng account at hindi exception ang admin.
Sa kabuuan, maliban sa cold storage, paper wallet, atbp, i-secure mo ang password mo sa mga gamit mong wallet gamit ang password manager. Malaking tulong po yan, lalo na ngayong marami ang naglipanang attempt na manghack ng account, partikular na sa mga sumasali sa campaigns at bounties.