Dear Coins.ph, Sana maglagay kayo ng AutoPay dun sa Pay bills options ninyo. Hassle kasi masyado kung every month kailangang tandaan yung billing date saka kailangan pa palagi mag fill up ng form.
Wow, magki-click ka na nga lang hassle pa? Though opinion mo yan.
For your information lang, may "favorites" feature na ang coins.ph. I-add mo na lang dun sa list ang mga bills mo tapos every month, magnonotify yan na "magbayad ka na" (charot lang). Pag nakasave na, all you need to do is to click the bill na babayaran mo, input the amount, and swipe to the right. Paanong hassle?
Aba e pwede siguro sayo yan kung isa o dalawa lang ang binabayaran mo pero hindi lahat ganon ang case satin lahat sana naisip mo yun di ba? At kung marami kang binabayaran kailngan mo input lahat ng account number lahat noon pati yung billing date at minsan pati yung name. Kung sampu ang binabayaran ko per month hindi ba Hassle yun. Isip-isip din. Yung mga bangko meron silang AutoPay dun sa mga Card nila so magandang feature din yan na isama sa Coins.ph.
At isa pa bakit ka ba nakikialam sa suggestion ko e kaya nga sila may Thread na ganito para malaman yung pulso ng mga Coins.ph users.