Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Let's talk about Alt Coins
by
Blake_Last
on 18/11/2017, 12:14:47 UTC
tanong ko lang ah dami talaga scam na mga alt-coin ngayon ano bang alt-coin ngayon ang magandang bilhin. maganda ba yung trading site sa bittrex? mabilis kasi galaw ng mga coin don eh

Sa unang tanong mo, sa kasalukuyan halos lahat ng altcoin ay hindi pa masasabi magandang bilhin dahil sa halos lahat sila malaki pa ang naging pagtaas sa presyo, maliban lamang sa LSK, BAY, DGB, SALT, DNT, XVC, DCR at EDG. Kung bibili ka man, sabihin natin halimbawa, marahil mas maganda kung ito nalang pong mga nabanggit ko na ito ang bilhin mo at hawakan mo nalang muna sila dahil anumang oras siguradong tataas muli ang kanilang mga presyo. Pero siyempre, base lang ito sa aking personal na opinyon at maganda pa din kung pag-aaralan mo munang mabuti kung talagang desidido kang sumugal sa kanila o hindi. Tandaan natin, bawat coin ay volatile kaya anumang pagkakataon pwedeng gumalaw at magbago ang kanilang mga presyo.

Sa ikalawang tanong mo kung maganda ba ang Bittrex ay pwedeng masabi na oo at hindi. Maganda ito depende sa kung sino ang gumagamit. Para sa akin, halimbawa, maganda ang Bittrex dahil mataas ang volume ng coins at marami kang assets na pwedeng i-trade dito. Subalit kung naghahanap ka ng trading platform na mababa ang rate ng fees sa pag-withdraw, hindi recommendable ang Bittrex dahil na din sa may kataasan ang fee na hinihingi nila kapag mag-withdraw ka sa kanila.



Balita ko, pasikat na ang Ethereum. Kumbaga, lumalaki na ang halaga nito at hindi malabong matapatan nito ang bitcoin. May mga nakakaalam ba kung ano ang mga faucet ng Ethereum na malaki ang bigayan at wallet na rin sana. Salamat

Kung ako po siguro ang tatanungin, masasabi ko na malabo pa sa ngayon na may makatapat sa Bitcoin, kahit pa ang Ethereum, Bitcoin Cash o kaya Litecoin ay hindi pa nila siya magagawang mapantayan. Sa kasalukan kasi ang market cap ng BTC ay umaabot na sa $129,289,058,388 at ang malayong pumapangalawa dito, ang ETH, ay nasa $31,849,652,634 lamang. Para maabot ng ETH ang BTC kanilang pa madagdagan ang volume nito, na hindi basta madaling mangyayari lalo na't halos lahat ng exchanges ay kasama din inililista ang BTC sa kanila at hindi nakahiwalay sa ETH. At syempre volume-wise, mas marami ang sumusuporta na exchange sa BTC kumpara sa ETH.

Ngayon pagdating naman sa mga faucet ng Ethereum, ang ilan sa mga ginagamit ko po dati ay ang mga nasa ibaba. Hindi ko lang sigurado kung lahat sila aktibo pa o may balanse pa. Check mo nalang din po.

1) http://free-ethereum.com/

2) http://ethereumfaucet.net/

3) https://eth-faucet.net/

4) https://swissadspaysethfaucet.com/faucet/

5) http://ifaucet.xyz/ethereum/

6) http://ethereumfaucet.info


Sana makatulong po itong mga faucet sa'yo.