Alam naman natin na vertual currency lang ang bitcoin. Yung hyperinflation na tinatawag na mag uugat ng currency failure na pweding ikawala nga ng value price ng bitcoin o mga altcoin sa buong mundo?
Ang Bitcoin ay dinisenyo upang maging immune sa inflation dahil naka set sa system nito na limitado lang ang supply nito kaya wag kang mag alala sa hyperinflation. Ang tanging paraan lang na mawala ang value ng Bitcoin ay kung ang lahat ng tao ay mawalan ng interest at kung titigil na lahat sa pag gamit nito na mag reresulta ng pagbaba ng demand or pwede din maging dahilan ay kung wala nang gustong mag mina nito dahil lahat ng transactions ay hindi macoconfirm, pero lahat ng ito ay impossible na mangyari sa ngayon.
sa ngayon malabo nga. Pero hindi natin maaalis sa isipan natin na currency ang pinag uusapan. At hindi natin isawalang bahala na mag karoon ng technical failure,competing currencies or political issues at iba pa. At wala pang makakapag sabi talaga ng kasiguraduhan kung hangang kailan natin magagamit ang lahat ng currencies lalo na ang bitcoin.