Maari bang makakaapekto ang bitcoin sa ekonomiya ng pilipinas?
Kung sakaling mangyari ito, malaki ang epekto nito sa ating ekonomiya. Dahil possibleng lahat ng mga tao, bata man o matanda ay magkakaroon na ng interes sumali sa bitcoin forum na ito at malihis ang pananaw sa buhay. Sa mga bata, hindi na nila maiisip na mag-aral para matupad ang kanilang mga pangarap at kumita ng malaking pera. Dahil sa pagbibitcoin kikita na sila ng pera na hindi na kinakailangan pang magpakahirap mag-aral. Sa mga matatanda naman at sa mga walang trabaho, kapag kumikita na sila ng malaking pera hindi na sila makakaisip na maghanap ng mga trabaho sa kompanya man o sa mga ibang lugar.