Mga kabayan gamitin natin itong thread related sa mga alt coins ,gaya ng Dogecoin, Litecoin, Dash, Ethereum at iba pa.
First of all, marami na ang nagsisilabasan na mga altcoins na gusto lumaki ang market value. Dahil dito nagsisilabasan na din ang mga altcoins na nangiiscam lamang tulad ng confido. Nabalitaan ko at nabasa ko sa mga forums na ang confido ay isa sa mga nangiiscam ng tao. Ang payo ko dito at siguro ng karamihan ay magdoble ingat. Wag magtiwala kaagad kahit maganda mga plataporma dahil pangakit nila yon. Magresearch maigi at be aware palagi. ETH ay isa sa magandang paginvestan ng pera dahil ito ay secured and may magandang serbisyo.