Mga kabayan gamitin natin itong thread related sa mga alt coins ,gaya ng Dogecoin, Litecoin, Dash, Ethereum at iba pa.
Magandang idea para mas malaman pa nating maigi ang mga altcoins kung bakit ba nagkakaroon ng altcoin. Ano ba ang purpose nito sa ekonomiya natin. Marami pa rin sa atin ang hindi naniniwala sa altcoin at takot pa ding maginvest sa mga ganito. May nagtanong sa akin na isang kaibigan kung ano ba ang bitcoin, gusto niya daw maginvest. Natatakot lang daw siyang maglabas ng pera kasi baka scam lang ito. Sobrang dami na rin kasi ang gummagawa ng mga ganito kaya pumapanget image ng crypto.