Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Handa na ba kayo na maging legal ang bitcoin sa pilipinas
by
Come on!
on 30/11/2017, 13:47:05 UTC
Handa naman tayo dapat palagi anuman ang mangyari sa bitcoin. At dapat handa rin tayo sa mga pagbabago na dulot nito. Siguradong magkakaroon ito ng buwis kaakibat ng pagiging legal nito. May posibilidad din na hindi na maging decentralized ang bitcoin dahil maaari itong kontrolin ng mga may kapangyarihan sa gobyerno. Mas magiging kritikal ang pagtaas at pagbaba na presyo nito dahil bahagi na ito ng ekonomiya ng bansa na maaaring maging sanhi ng pagbagsak o pag-unlad nito.