nagbabalak ako magtayo ng maliit na negosyo like tshirt printing, magic mug printing pati yung mga gusto magnegosyo ng damitan sa murang halaga. meron kaya dito magkaka interes sa bagay na ito?
Maganda yan naiisip mong business dahil ang tshirt printing is always a good business lalo na kung maganda yung printing mo at quality ng shirt, pero ang nakikita kong problema is willing ba gumamit ng Bitcoin ang mga magiging customers mo kung ang mahal ng transaction fees ng Bitcoin tapos isang item lang ang gusto niyang bilhin e di mapapamahal pa sila, At kung ayos lang sayo na ma-delay yung bayad dahil sa tagal ma-confirm transactions lalo na kung mababa ang binayad na fee. Okay itong naiisip mo pero tingin ko sa ngayon hindi fit ang Bitcoin para sa ganitong business (pwede kung wholesaler ka at hindi ka nagbebenta ng paisa isa) pero sa ngayon hanggat hindi naaayos ang scaling sa Bitcoin mas maganda kung altcoins ang tatanggapin mo as payment para walang problema sa fee at transaction processing time.